Ako po ay nais magreklamo kaugnay sa aking Globe internet service. Nagsimula ang problema noong September 26, 2025 (panahon ng bagyong Opong), at mula noon ay nawalan na ako ng maayos na internet connection.
Nag-request ako ng technician visit, at ang unang schedule ay October 1, 2025, pero nakatanggap ako ng text mula sa Globe na kinansela ito at ni-resched. Sumunod na schedule ay October 4, pero kinansela na naman. Ang pangakong schedule na “not later than October 6” ay hindi rin natupad – hanggang ngayon, wala pa ring dumating na technician.
Habang wala pang inaayos, patuloy pa rin akong sinisingil, at ang due date ng aking bill ay October 5, 2025, kahit hindi ko naman lubos na nagamit ang serbisyo.
Pakiayos naman po ang inyong serbisyo. Napaka-inconvenient na ng paulit-ulit na rescheduling nang walang action. Sana ay mabigyan ito ng agarang aksyon, at kung maaari ay ma-adjust o ma-waive ang bayad sa billing period kung kailan hindi maayos ang serbisyo.
Narito ang aking account details:
Account Name: [Elizabeth Tampol]
Account Number: [[protected]]
Contact Number: [[protected]]
Umaasa ako sa inyong agarang tugon. Maraming salamat.
Confidential Information Hidden: This section contains confidential information visible to verified Globe Telecom representatives only. If you are affiliated with Globe Telecom, please claim your business to access these details.