Kastress din bumili ng Appliance sa #SMMOAHypermarket. Bumili kami aircon, nong binuksan namin, wala ron yung remote. Kaya nga kami bumili ng automatic dahil don tapos yun pa mismo nawawala. Pagbalik ko mall, ako pa sinisi ng mga customer service bakit ngayon ko lang daw nireport. Take note, di naman kasi for replacement ang nirerequest ko, para sa missing item yun, malamang dapat ba maging conscious ako sa days of replacement nila.?
At luh, di naman yun katulad ng cp na kapag uwi mo ng bahay, pwede mo agad buksan to check kung may kulang. Aircon yun, karpentero lang talaga hinihintay namin magbuksan dahil baka masira dahil ang bulky din. And as if naman, lagi ako may time para pumunta roon e palagi ako may pasok.
Gets ko na kailangan nilang mag interview pero ung pagdedeliver nila ng salita, parang ako may pa may kasalanan e sila ang hindi naglagay ng remote sa loob. Tapos bawat lalapit saung tao, paulit-ulit sasabihin na parang kasalanan mo at sinungaling ka kasi iniinspect daw ng guard lahat ng item bago ilabas sa mall. May pirma ko pa raw resibo. Malamang pipirmahan ko yun kasi nga natesting naman nong nandon kami sa loob ng mall. Dapat daw chineck ko muna na pinasok sa loob bago kami umuwi. So kasalanan ko pa talaga na 'nagtiwala' ako sa kanila na ilalagay nila yung remote sa loob?
Jusko ha, common sense lang din, magsisinungaling pa ba ako para sa remote lang? To think pupunta pa ako moa kahit takot akong magbyahe dahil sa pandemic?
Nakakastress yung experience sa totoo lang. Hirap maging customer sa Pilipinas. Kasalanan mo kahit kasalanan nila.
Sa CS din naman ako nagtatrabaho, sa amin, kapag sinabing may missing item, onting tanong lang, nagpapalit na kami. Sa kanila, isang batalyon muna makakausap mo na paulit-ulit lang naman sinasabi at dadaan ka muna sa butas ng karayom bago mo makuha yung dapat talaga sayo at pinaghirapan mong ipunin na mabili.
Kawawa lang yung nanay ko kasi gift pa naman namin sa kanya yung aircon. Automatic talaga binili namin kasi medyo hirap na kumilos yun tapos in the end, parang magiging manual lang din pala yun dahil lang walang remote.
Hindi pa sigurado kung mapapalitan nila. Tatawagan na lang daw ako to confirm kung ano kahihinatnan. Which means, nagbayad ako ng mas malaki para sa automatic kahit na may manual aircon naman na mas mura. Kami pa magdudusa sa kasalanan naman nila. Hay.
Add your opinion