SUBMIT A COMPLAINT

LBC Expressmy undelivered parcel

Last September 15, 2019 Nagpunta ako ng LBC Robinsons Antipolo para magpadala ng parcel para sa friend ko na taga antipolo lang din. Sep 19 nag inform ang friend ko na wala pa daw syang narereceive na parcel. Tumawag ako sa customer service ng LBC Sep 20 ang sabi sa akin ng customer service hindi daw nalocate ang address ng padadalhan ng parcel kaya ang sabi ko kung pwedeng ipatransfer nalang sa Licos Branch ng LBC para don nalang ipick up ng friend ko, Ang sabi sa akin ng customer service nagawan nya na daw ng report at ipick up nya nalang sa monday Sep 23, Pinapunta ko ang friend ko ng monday wala pa rin daw don ang parcel. Sep 25 (Wednesday) Tumawag ulit ako sa customer service at nakausap ko si Sarah Padilla ang sabi nya sa akin hindi daw nagawan ng report kaya hindi naideliver nagrequest ulit ako sa kanya na kung pwede ipatransfer nalang sa Licos Branch para mas madali sa friend ko na makuha ang sabi nya sa akin by friday daw darating sa Licos branch ang parcel ko kaya pinapunta ko ulit ang friend ko nung friday sep 27 ang sabi sa kanya wala pa rin daw pang 8days na daw ng parcel ko kapag umabot daw ng 10 days dadalhin na sa pasay at ako daw ang magbabayad ng penalty, Which is hindi ko naman kasalanan na hindi nila na transfer ang parcel ko dalhil nagrequest agad ako na ipatransfer nalang. Tumawag unit ako sa customer service sep 30 ang sabi nasa pasay na daw ang parcel at ako daw dapat ang magpunta sa LBC robinsons antipolo para iconcern ang tungkol sa parcel ko. Kaya ko nga pinadala ang parcel kasi wala akong time napadaan lang ako sa LBC robinsons nung sep 15 kasi may binili kami sa mall kaya don ko nalang pinadala tapos ganun lang pala ang mangyayari?antipolo lang din ang area na padadalhan pero umabot ng 16 days wala pa rin ang parcel ko?? bakit pa sila ng hingi ng contact number ko at ng magrereceive kung hindi rin naman pala tatawagan kung ano na ang nangyari sa parcel ko. Sana naman magawan ng paraan yan kasi sobrang tagal na talaga, Busy ako sa work kaya wala akong time para puntahan pa yan sa LBC robinsons antipolo sayang ang araw kung mag aabsent lang ako para dyan na hindi ko naman kasalanan.

LBC Express

La
Oct 01, 2019

Post your comment