Philippine Long Distance Telephone [PLDT]pldt dsl / ultera device fee charges / poor customer service assistance

F
This review was posted by
a verified customer
Verified customer

Mahigit isang taon na kaming gumagamit ng PLDT Fiber Plan dito sa bahay, naka upgrade na rin sa 1899 recently lang. Nakatanggap ako ng text nitong April patungkol sa ako raw ay may utang sa PLDT Ultera, tumawag ako sa 171 para ikumpirma ko ito, alam ko sa sarili ko na inayos ko ang pag close ng Ultera last year May 2, 2016 nagbayad ako ng last payment ko sa ultera at pina disconnect ko na dahil sa kami ay kinabitan ng PLDT Fiber plan April 25, 2016, sabi samin na ito raw ay migrated kaya wala na kaming babayaran pagdisconnect nito. Di ko lang maintindihan, nagawa ba ng maayos ng Customer Service ng Antipolo Branch ang pag close ng Ultera ko nung May 2016? Ngayon sinasabi na ako raw ay may utang pa sa Ultera na ito. Nagpunta ako ng December 2016 sa PLDT Antipolo para mag complaint na bakit ako ay nakatanggap ng bill patungkol sa Ultera, pinagawa ako ng letter of complaint ni Miss Theresa Basas at ang sinabi niya saken ay OKAY na raw ito at ipa follow up na lang sa 171 ang approval ng ginawa nyang disputes. Akala ko okay na ang lahat dahil sa sinabi niya saken. Pero dahil sa natanggap kong SMS netong April 25 at pangalawa SMS ay May 10, na pagbabanta ng Sillano Law Office, tawag ako ng tawag sa 171 para mag complaints. Napakahirap kumausap sa 171, Nandun nakausap ko ang isang Supervisor named Apple, na ginawa naman nya ang lahat para ako ay tulungan pagtanggal ng utang ko sa Ultera. Nagpunta ako nung May 2, 2016 sa PLDT Antipolo advised saken sa 171 para ma accomodate ung aking complaints ng mas mabilis, nakausap ko si Diane Anievas, ang sabi wala si Miss Basas naka VL, gumawa si Ms Diane ng mga reference patungkol sa unpaid payments and sa SMS na natanggap ko. Magfollow up daw ako sa 171 ulit, pati ung sa email daw ni Miss Basas, alam nyo wala pa ring nangyari dahil mali daw ung ginawa sa Branch sabi ni 171, sobrang inconvenience na neto, bumalik ako kay Supervisor Apple, matagal din niya ako binalikan dahil daw siya ay may personal problem, sabi nya good news daw dahil tinanggal na raw ung termination fee and ung sms ng Lawyer nila, pero may DEVICE FEE pa raw na di pa natatanggal, she advised me to patiently waiting daw dahil matagal daw pag sila mag asikaso. Sinasabi nya ang Branch lang daw ang makakatulong sakin ng mabilis patungkol sa pinapa clear kung account. We decided to go to Antipolo Cainta and we give the ref na binigay ni Ms Apple last June 19, 2017, nakausap ko si Joeanna Balbuena, she give me reference [protected] for disputes of device fee. The next day June 20 I received sms na di raw approved ung pipapa clear ko and they want me to call hotline again... I call hotline I spoke to Jack ng customer service, di raw na approved kasi daw within a contract daw ako... OMG, nakakabaliw na kayo... Ngayon I forward this letter to NTC to let you know, kung gaano nyo pinapahirapan ang mga customers nyo na mahirapan I resolved ang ganitong problema... Anyway the DEVICE FEE na sinasabi nilang babayaran ko ay kinuha lang nila netong Feb-March sa di ko rin alam kung bakit ang tagal nilang kinuha, gayong kami ay gumagamit na ng PLDT FIBER since APRIL 25, 2017... Pinapabayaran ung DEVICE FEE 4086.00 pesos dahil within in contract pa raw ako. I'm very upset and sad for this.

Post your comment

    By clicking Submit you are agreeing to the Complaints Board’s Terms and Conditions

    IN THE NEWS

    Unhappy consumers gather online at Complaintsboard.com and have already logged thousands of complaints.
    If you see dozens of complaints about a certain company on ComplaintsBoard, walk away.
    One of the largest consumer sites online. Posting here your concerns means good exposure for your issues.
    A consumer site aimed at exposing unethical companies and business practices.
    ComplaintsBoard is a good source for product and company gripes from especially dissatisfied people.
    You'll definitely get some directions on how customer service can best solve your problem.
    Do a little research on the seller. Visit consumer complaint websites like ComplaintsBoard.