SUBMIT A COMPLAINT

LBC Expressall products for delivery was not delivered almost 10x

Review updated:

Noong una po, ok lang sa akin na hindi denilever ang mga pinadala sakin kahit for delivery lahat ng binayaran ko at hindi for pick up. Sa pangalawa, ganon din hindi deniliver, ang masama pa wala man lang txt at nagtataka ako kasi parati kong tinitrace ang mga pinapadala sakin so alam ko na nasa tagbilaran na kasi nakalagay for delivery hanggang umabot ng 3 days wala parin so pinuntahan ko na sa site nila sa CPG Tagbilaran Bohol tapat ng COCA COLA Tagbilaran Bohol, that time ok lang sakin. Tapos nagpadala nanaman ako, wala na namang dumating kahit 2 days na nakalagay na for delivery wala man lang tumawag so pinuntahan ko uli mga bandang hapoon na yon malapi ng mag 5pm, ng pumunta ako don hinanap ang package ko pero hindi makita tapos tinawagan yong naka assign na tagadeliver, ang masama pa don parihas pala kami ng barangay sa Tiptip ng tagadeliver tapos diman lang niya denilever, so nung tinawagan sabi niya nasa kanya daw tapos tinanong na naghihintay kami sa opisina para kunin, ang sagot ng taga deliver bukas nalang kasi diretso na cya uwi sa bahay hindi na siya babalik ng opisina, ano po ang ibig sabihin non puwede po bang iuwi sa bahay ang package na dalalada ng nagtagadeliver hindi po ba yon ibabalik sa opisina kapad hindi naideliver? Ibang iba po nong nagpadala ako sa 2GO at pagdeliver niya sa bahay wala kami kasi may lakad so nong tumawag cya sa amin sabi ko kunin ko nalang sa opisina niyo kasi may nilakad ako malapit sa opisina niyo, ang sagot sa akin ng tagadeliver ay maam wag po baka pagalitan kami bawal po yan kasi for delivery po ang package niyo. Tapos sabi ko cge mamaya nalang pero that time sobra na ng 5pm so sabi niya maam kung pwede balik nalang ako bukas po kasi malapit na po mag close ang opisina namin dapat maibalik ko ang package don na hindi naideliver para di po kami pagalitan. Bakit ang tagadeliver niyo po hindi ganon? Pwede palang patulugin sa bahay ng tagadeliver ang package kapag hindi naideliver sa araw na yon? So sa madaling salita tamad po ang tagadeliver niyo po, nagtataka po ako kasi lahat po ng pinapadalhan namin, JRS, NINJA, 2GO, Cargo King, AP cargo, FedEx, e dumadating naman po sa bahay namin lahat, kung minsan tumatawag sila pero kadalasan ay diretso na sa gate namin pero po pag LBC niisa po walang dumating sa bahay po namin, ang bahay po namin ay walang house number pero bakit pag iba ang pinapadalhan namin dumadating naman po lahat pati mga mails dumadating naman pero pag LBC na taga lugar pa namin ang taga deliver ni isa tagala walang dumating halos 10X packages na po wala talagang naideliver ni isang beses. Isang beses may kinuha ako sa isang branch niyo sa CPG Tagbilaran din pero sa tapat po ng university ng BISU pero for pick up po yon, tapos sinabi ko sa kanila ang naranasan ko sa ibang branch niyo doon sa CPG Tagbilaran tapat ng COCA COLA Tagbilaran Bohol, tapos sabi niya sir, i complain niyo po para po hindi sila mamihasa. Pero po di ko yon ginawa kasi naawa po ako sa trabahador niyo.tapos yong last na kinuha ko po don din sa branch na yon, sira talaga ang package ko nakikita ko po mismo paano nila pinagtatapon ang mga package doon mga 2-3 months ago na yon, pero hindi po ako nag complain hinayaan ko po yon hindi ko po binalik ang package at binayaran ko po ng walang salita kahit sira. Ngayon po naubos na po yong pasensiya ko kasi lastly, nag order ako sa online po dalawang package po yon, lahat for delivery, sa unang package, so tumawag si delivery man, nagtatanong so sinabi ko ang bahay namin kung nasaan, sumagot ba naman na diko mahanap bahay niyo kasi walang house number kunin niyo nalang sa opisina dahil marami pa akong idedeliver, so sinagot ko bakit pag iba ang pinadalhan ko dumadating man dito sa bahay lahat pero pag LBC ni isa sa mga pinadala k hindi man lang nakadating dito sa bahay, sumagot naman siya kung gusto mong ideliver ko ang package magbayad ka ng 100 pesos para sa delivery fee, sumagot naman ako, kasama naman sa binayaran ko ang delivery fee, sabi naman niya hindi iba yon kasi magpapasko na ganito talaga kapag magpapasko na. Hindi ba masyado naman yatang garapal ang delivery man niyo po? Sa totoo lang lahat ng nagdedeliver sa amin kahit bayad na nagbibigay parin kami don sa taga deliver kasi nga naman alam namin hindi biro ang magdeliver ng marami, pero ang tauhan niyo hindi na nga diliver nang hihingi pa nga dagdag 100 pesos ganon po ba ang trabahador niyo? At sa pangalawa kong order, wala talagang balita kung nasaan na, so nag reorder uli ako, then tumawag ang inorderan ko na maam bakit kayo uli nag order gayong pina cancel niyo naman po ang order niyo sabi ng LBC, so sabi ko wala akong pina cancel na order matagal ko ng hinihintay yan dapat 2weeks ago dumating na yan kaya nga ako nag reorder kasi walang dumating. Bakit po ganyan ang trabahante niyo po tinandaan po talaga ang pangalan ko at pinabalik nalang nila ang order ko pinacancel ng walang abiso sa akin? Napaka walang respeto naman po ng mga tauhan niyo po kung ganon. Isa po ako sa mga regular customers niyo po sana pero ngayon nag aalangan na ako dahil sa mga trabahante niyo po, hindi naman cguro po lahat pero mostly po yong sa CPG tagbilaran Branch niyo po sa tapat ng COCA COLA yon po ang hindi maganda, sana gawan niyo ng aksyon yan kasi mawawalan pa kayo lalo ng mga customers kung ganyan ang mga trabahante niyo, hindi nila mahal ang trabaho nila kaya di sila umaasenso. Hindi ko lang po mapangalanan ang dapat i compalin ko kasi nakalimutan kong itanong ang pangalan niya, at hindi ko alam kong iisang tao lang ba ang tagadeliver sa lugar namin or paiba iba sila.

Fr
Dec 07, 2018
Sort by: UpDate | Rating

Comments

  • Ry
      Dec 07, 2018

    HELLO LBC, KALA PO NAMIN HARI KAYO NG PADALA? BAKIT GANUN? LAST DECEMBER 5, 2018 PA PINADALA UNG BAGAHE FROM MANILA TO PADRE GARCIA BATANGAS LANG UNTIL NOW WALA PARIN??! ETO CURRENT STATUS PERO DI PARIN NADEDELIVER SA TAO.
    Reciever Alvin Untalan
    mobile # [protected]
    #57 Bukal, Padre Garcia Batangas 4224 Philippines

    Tracking Number
    [protected]
    Date of Last Status Transaction Status
    December 06, 2018 Arrived at LIPA DELIVERY TEAM.
    December 05, 2018 Forwarded to LIPA DELIVERY HUB.
    December 05, 2018 Arrived at CENTRAL EXCHANGE HANGAR.

    0 Votes

Post your comment