Menu
Chowking

Chowking review: service

I
Author of the review
10:39 am EST

Gusto ko lang sabihin na puwede ba eh enhance niyo pa ang good customer service ninyo. Dahil noong February 24, 2020 nag punta kami ng partner ko sa Chowking Divisoria dito sa Cagayan de Oro around 10:00pm. Tapos pagpasok namin mag order na sana kami kaso lang walang cashier sa counter area, tumingin ako sa cooking area dahil my tao doon nagtanong ako kung pwede pa ba mag order tiningnan niya lang ako tapos inirapan lang ako okey lang sa akin dahil busy siya sa pagluluto. May nakita akong crew nagtanong ako kung pwede pa mag order kasi walang tao sa counter area, hindi niya ako pinansi para bang invisible ako sa kanyang paningin. Medyo galit na ako pero pinipigilan ko sarili ko. At nang nakita ko yong on duty na manager sabi ko sa kanya pwede pa po ba mag order, tapos tiningnan niya lang ako at umalis siya. Siguro hindi niya ako inasikaso kasi naka pang bahay lng ako. Umalis nalang kami nang partner ko. Dapat sana e train niyo pa nangmabuti ang mga empleyado niyo on how to deal a good customer service pati na yung manager na on duty sa oras na yun manager pa naman siya dapat e train niyo pa siya kong paano mag handle ng customer. Naiinis talaga ako kasi empleyado din ako hindi naman kami ganyan magtrato nang customer namin. Sana ma aksyonan niyo ito complain ko para hindi na maulit. Salamat

0 comments
Add a comment