Menu
Register
Write a review File a complaint
Chowking

Chowking review: rude behavior of crew

D
Author of the review
9:16 am EST

Feedback ko lang po yung dalawang crew ng Chowking SM City Batangas, around 8pm kumain kami sa chowking ang order namin ay chicken with pansit, pork chao fan with siomai then chicharap. 15mins yung chicken so umupo muna kami. Nung iseserve na yun order namin, sabi ko take out nalang po yung chicharap dun sa isang crew di ko lang nakuha name agad naman niya tinakeout (kaso walang vinegar or sauce yung chicharap) pagalapit nung isang crew kasi lilinisin yung katabi table namin, sabi ko kuya pwede po ba makahingi ng sauce or vinegar nun chicharap tiningnan lang nila ako then sabi nung isang crew who is Robin yata not sure sa name kasi di ko masyado nakita name e, sabi niya "pahingi daw suka", sabi naman ni Jeremy (yung inutusan ni Robin) "IKAW NA" nagpapasahan sila ng gawain tas nagtatawanan pa sila, di ko alam kung kami ba tinatawanan, nakakainis lang, hanggang sa walang nagbigay sa amin ng sauce/vinegar ang tagal naming naghintay hanggang sa manager nalang kami humingi nung paalis na kami. Nakakainis lang yung ganun na crew, sana hindi na maulit uli. Hindi man lang nila kami binalikan or sinabing wait lang po Maam ha, nagtawanan pa talaga sila samantalang nakikita nila na tumitingin ako sa kanila sign na naghihintay ako ng nirerequest kong vinegar kasi walang nakalagay sa paper bag. Yun lang. Sana masabihan niyo sila at hindi maranasan ng ibang customers niyo! Favorite pa naman namin chowking, first time namin naexperience ganung ugali ng crew. 😑

0 comments
Add a comment