SUBMIT A COMPLAINT

Camella Tierra Nevada, Gen. Trias, Cavitewrong property build from my lot

Review updated:

Kumuha po aq ng unit sa camella, tierra nivada, gentrias, cavite.. ang unit ko po ay drina. higit kumulang 2.3m po ang contract price namin s kanila. ngunit nagkaproblema po s work ng asawa ko kya naisipan po naming magpalit ng pinakamaliit na unit na merun sila. ipinalit po namin ay rina model. higit kumulang 1.2m. ang penalty ko po s pag tatransfer ng unit ko ay 40, 030.00 pesos na taliwas sa briefing ng marketing nila samin na 10thousand lang dw ang fee s ganung mga transaction. but since sabi nila pra hnd mapending ang request naming pag lipat ng unit.. pinirmahan ko po ang nasabing kaltas para mapadali ang constract ng bahay. ang requst naming pag lipat ay inapprove po nila ng april 15, 2013. after 1month dw po ay sisimulan na ang bahay. e di mga june po ang simula ng bahay kung hnd ako nagkakamali. naka sign na po ako ng contract sa rcbc bank nung nakaraang june 21, 2013 at si rcbc po ang nag approve ng loan ko sa camella. at s date na june 21, 2013 din po nai-release ang loan ko sa kanila which is binayaran sila ni rcbc bank para s contract ko at ako ang magbabayad sa rcbc bank para s loan ko at mag sisimula po ako ng hulog monthly for 5yrs sa rcbc ngayong darating na july 25, 2013... eto po ang anging problema ko, nung pinacheck ko po s account officer ko ung status ng bahay q e 40%constructed na dw ang status. pinuntahan ko po ng hindi alam ng agent ko ung site ng bahay ko para makita ang gawa nila ngunit ang nadatnan ko ibang bahay ang nakatayo.. sa halip na rina model.. marvela model po ang nakatayo na nagkakahalaga po un ng higit kumulang na 1.6m... nagtxt po ang ahente ko at sinabi saken n ganun nga po nagkamali ang marketing nila pero hindi nila alm na nakita ko na ang mali nila bago pa nila ito sabihin saken. nacheck ko na po ang bahay at nakita ko po na nakapersonalize ang pag kakabitan nila ng pinto. s halip na kahot ay aluminum or stainless po ang nakakabit. ang dahilan po nila sakin kung bat sila nagkamali ay dahil daw po hindi nila na check na ang lotte dw po na nakuha ko e ready home. pro sa nakita ko po s bahay na un, hnd po sya ready home at s malamang po ay may nagmamay ari po nung bahay na un na gaya ko din po ay nagbabayad s kanila pra magawa ang bahay na kinukuha namin sa kanila... aayusin daw po nila ang mali nila s pamamagitan daw po ng pag tatransfer samen sa ibang lot # na katabi ng kinuha namin na tinayuan nilang ng maling bahay. ngunit s point ko, hnd po ako basta basta papayag ng ganun ganun lang, matapos kong gawin ang obligasyon ko s kanila.. hnd nila nagawa ng ayos ang obligasyon nila samen. alam ko po na may rights akong tanggihan sila s dahilang nagbayad nga po ako ng danios perwisio sa kanila para po s lotte at bahay na ipinalit o pagkatapos sila nagkamali sila sa side nila e ang gagawin lang nila e ililipat kami ng lot# at sila na dw bahala sa bangko at sa ibang bagay na babaguhin. pero paano naman po ang karaatan ko bilang tao sa mali nilang ginawa saken na nagkapatong paton na. nagbayad pa nga po ako ng mothly amortization s kanila pra ngayong month of june 2013 na hnd napo nila sinama s account ko sa banko, tapos ng tanungin ko kung pano na ung hunulog ko na maortization, ang sabi po nila e tubo na dw nila un, e nung nabasa ko ung kopya ng contract ko s kanila, a month after ng turn over samin sa bank saka pa kami mag sisimula sa huhulog para sa amortization namin. please help me for this, hindi kona alam kung anung tama kong gawin. alam kong may rights ako na nilabag nila. at un ang gusto kong makuha s kanila.

Ky
Jul 10, 2013
Sort by: UpDate | Rating

Comments

  • Ma
      Jul 18, 2013

    mabaho pa dito sa tierra nevada amoy baboy dami langaw

    +1 Votes
  • Ma
      Jul 18, 2013
    Camella Tiera Nevada - substandard materilas
    United States

    we are living here for 1 year pa sa camella tierra nevada, pero grabe ang amoy ng piggery pag naulan at ang bangaw ung malalaking langaw grabe ang dami talaga...tapos naulan lang nag penetrate na lahat ang tubig a fire wall, tumutulo na pati atip namin...tapos ang daming daga na sa atip we dont know saan galing yon..

    0 Votes

Post your comment