SUBMIT A COMPLAINT

Dental Focus Festival Mall Branch / Very bad customer service

1 Festival Mall, Alabang, Muntinlupa City, Philippines

I'm Caren. I'm a registered nurse, a previous professor in the College of Nursing and now working as a Product Manager handling medical equipment.
I also had a bad experience with Dental Focus Festival Mall branch.

Last December 2, I went to Dental Prophylaxis clinic sa SM Megamall para magpa-cleaning. Sabi nung dentist doon, yung lower right 2nd molar ko (tooth no. 47) need na mapastahan, and yung lower left 2nd molar ko (tooth no. 37) either need mapastahan or baka bunutin na kung malalim na ung sira. She told me after a week nalang gawin ung procedure kasi need pa ipahinga ung gums ko dahil kakatapos palang ng cleaning.

Then nung December 21, nagpunta ako with my parents sa Dental Focus Festival Mall branch kasi un ung malapit samin. Yung nanay ko magpapadental cleaning, si tatay ko dental cleaning + tooth extraction, and ako magpapa-dental filling. Pagpunta namin ng 11am, the receptionist informed us na pang 8 daw kami kasi madami nakapila (we were using Intellicare card). So we waited patiently... Naaccommodate kami around 5:30pm na! So sige ok lang; when the dentist checked my teeth, sabi nya hindi na daw need mapastahan nung right molar ko kasi sabi nya "abot pa ng toothbrush yan" pero yung left molar ko mukhang need na daw bunutin. Kailangan daw muna ng peri-apical X-ray, so nagpa-Xray muna ako for P350. I wasn't experiencing any pain at all or fever kaya nagtaka din ako nung sinabi nya na my abscess daw dun sa molar ko. So binigyan nya ako ng prescription na Amoxcillin 500mg every 8 hours for 1 week then balik ako ng December 26 para bunutan. I asked the dentist kung normal extraction, sabi nya mukhang kaya naman. Sabi nya covered naman ng card ung normal extraction pero pag difficult extraction na they will require surgery at hindi na daw covered ng card un. It will cost around 1, 500 to 8, 000+. So sabi ko, ok. Then nung father ko na ang nagpaconsult, after ng dental cleaning sabi ng dentist need daw bunutan si tatay ng 5 na ipin (my dad is a smoker) pero pagbalik nalang daw sabay na daw kami. Ang malaking pinagtataka ko, hindi nagprescribe yung doctor ng X-ray for my Dad so I assumed, baka ibang case yung sa tatay ko compared sakin kaya hindi na kailangan ng Xray.

So we went home at nagtake ako ng antibiotics for 1 week. December 26, 10am, bumalik kami sa clinic para bunutan. Ibang dentist yung tumingin sakin. Nung nakita nya yung peri-apical Xray ko, sabi nya difficult extraction daw at kailangan ng surgery. Nagulat ako kasi, iba yung sinabi nung isang dentist nila the last time na pumunta ako at hindi ako emotionally and financially prepared dun sa surgery na sinasabi nya. Impacted daw kc yung ipin ko, nakaharang daw yung bone, etc., Pero kasi yung tinutukoy pala nya yung last molar ko (tooth 38) kasi mali yung tubo nya, pero wala naman ako balak ipatanggal yun!! Sabi ko yung tooth 37 ung need daw bunutin sabi nung unang consult ko, upon check-up sabi nya papastahan nalang daw nya kasi kaya naman. (huh?? Okay.)

Ang nakakainis kasi, iba iba sila ng diagnosis, iba iba sila ng treatment! So kung pumayag pala ako sa surgery, yung bubunutin nya yung ipin na hindi ko naman pinoproblema, at para san pa yung antibiotics na ininom ko hindi naman pala ako binunutan, kaya naman pala ng dental filling nalang.

Tapos ang pinaka-kinagalit ko talaga, nung si tatay ko na yung chineck-up (ibang dentist din, hindi yung nagcheck-up nung last na nagpunta kami pero same dentist na nagpasta sakin) sabi nya NEED DAW MUNA I-XRAY ng tatay ko before bunutan, and kapag difficult extraction we will pay 1, 500-35K++. Sabi ko sa kanya, bakit ngayon lang nila pinapagawa yung Xray, bakit hindi pa last week nung unang punta namin para sinabay narin nung nagpa-Xray ako at ng hindi kami pabalik balik! So kapag in-Xray ngayon at nakitang my abscess hindi pa nila bubunutan, mag antibiotic ng 1week tapos papabalikin na naman nila kami after 1 week! Sabi ko sa dentist, "so kelan nyo malalaman na difficult extraction? hindi nyo ba makikita sa Xray agad yun?" Sabi ng dentist during the procedure pa daw malalaman kung difficult extraction. Sabi ko, "so kapag nalaman nyo na difficult extraction tapos wala kami pambayad for surgery hindi nyo na itutuloy yung procedure?" Sabi nya, HINDI NA DAW. Sa inis ko, sabi ko HINDI NA KAMI TUTULOY SA PROCEDURE. Then nung pauwi na kami, pinapirma pa yung tatay ko kasi may charge na pala sa Intellicare card nya yung pag-upo ng tatay ko dun sa dental chair! Ni wala namang ginawa sa kanya kundi silipin saglit yung bibig nya at sabihing kailangan daw iXray muna pero hindi naman kami nag-proceed!

Nagpunta nalang kami sa ibang dentist and we opted sa paid service nalang para lang mabunutan ng ipin yung tatay ko. No Xray done, wala pang 30 minutes tapos na yung procedure, 2 ipin yung nabunot sa tatay ko. Kaya naisip ko, siguro gusto lang ata i-claim ng Dental Focus na difficult extraction yung procedure para mas makasingil sila ng mahal sa mga pasyente nila!!

Bakit ganun ung mga dentist sa Dental Focus. Sila yung mga dentista, dapat pinapaliwanag nila ng maayos sa mga pasyente nila yung treatment plan, dapat pinag-iisipan nyo ng maigi yung best and convenient treatment para sa mga patient nyo. Kasi may mga trabaho kami, importante yung oras para samin, wala kaming panahon para bumalik ng bumalik sa clinic nyo at mag-antay ng sobrang tagal! Hinding hindi na ako pupunta sa Dental Focus at sasabihin ko rin sa mga clients namin at mga kakilala ko yung experience ko sa inyo.

Ca
Dec 28, 2014

Post your comment