Menu
ADVERTISIMENT
Home Other Review of Cocolife

Cocolife review: cocolife sm trece branch

R
Author of the complaint
8:00 am EST
Featured review
This review was chosen algorithmically as the most valued customer feedback.

Shoutout sa empleyado ng cocolife sa may sm trece, cavite. Pakituruan naman po ng good manners and right conduct. Mga around 12pm, last sunday nov 12. May humarang samin na babae, cacai daw name nya, d kami interesado nung pinsan ko kaya tuloy tuloy lang kami sa paglalakad pero yung kapatid ko inentertain nya. Isinama ung kapatid ko sa groundfloor ng sm trece kasi qualified daw sa promo nila na free insurance worth 20, 000 at may free bag pa. Feeling anghel si suarez, not sure sa first name, sya ung nag assist sa sis ko, nung nag'ooffer pa lang ng product nyo tapos nung hindi napakuha yung client sobrang bastos na at walang modo. At bakit kailangan pa balance inquiry ang atm at icheck ang laman ng wallet ng client? Kung talaga gusto nyo lang mag offer ng product nyo bakit bago lumabas ang client kailangan magbayad ng 2, 000 pesos para sa initial payment. Akala ko ba free? So front nyo lang pala yung mga freebies nyo. On the spot kailangan na magbayad, hindi ba pwedeng pag isipan muna? Nung pinigilan ko yung younger sister ko na magbigay ng 2k, pinuntahan mo ko sa labas ng opisina mo at sinabi mo na wala ako pakialam at epal ako kasi hindi naman ako ang kausap mo. Fyi, kapatid ko lang naman yang kinausap mo. Ang sabi ng mga agent nyo free insurance worth 20, 000 pero pag nasa loob na may babayaran pala? May mga pakulo pa kayo na may ibibigay na bag pero nung natapos nyo na isales talk ang client sasabihin nyo na wala pang supply ng bag at itetext nyo na lang. Wtf! Then dahil nga hindi nya napilit yung kapatid ko maglabas ng 2k, pinunit mo sa harap nya yung insurance na inooffer mo at sinabi mo pa na sinayang lang nya oras mo. Wow ha, hindi ka na lang maging thankful na nagbigay ng oras para makinig sa offer mo? Ibang klase ka!. Tapos lumabas na sya. Pero d pa nakuntento si suarez at sumunod pa sa labas at pinunit ulit sa harap namin ung papel at sinabihan pa ako na "sa susunod pag may naguusap wag kang makikialam, masyado kang pakialamera"sumagot ako na may karapatan akong makialam kasi kapatid ko yon. At dahil wala talagang modo yang si suarez, pati pinsan ko binastos at sinigawan na ayusin daw ang mukha. Dapat ang baguhin nya ugali nya. Sobrang nakakabeast mode yang si suarez, hindi nakakabuti sa company ang mga ganyang empleyado! Dapat sa ganyang klase ng tao binibigyan ng disciplinary action.

ADVERTISIMENT
0 comments
Add a comment
ADVERTISIMENT
ADVERTISIMENT