SUBMIT A COMPLAINT

Chowkingrude service crew

Review updated:

Dear Ma'am/Sir,

Gusto ko lang po sanang magawan nyo ng action yung service crew sa chowking waltermart manggahan general trias cavite na nagngangalang ROSA. Umoorder kasi ako ng family lrt at nag resquest ako ng bagong luto na chicken willing to wait naman po ako kahit 20mins yun kasi nga gusto ko ng bagong luto hindi ung nasa warmer lang nila. So tinanong nya ako kung May ire request ba akong part ng chicken so sumagot ako na sige wing and thigh nalang. So ito na ung crew nyo po ipinagpipilitan nyang wala daw ibang part kundi breast in the 1st place maam/sir sya ung nagtanong kung anong part ng chicken so ineexpect ko meron kahit ano tapos sasabihin nya breast part lang meron kahit mag antay ako ng 20mins. Pinabalik balik nya ko paulit ulit ko syang tinatanong kung sure ba sya na un lang ang part buntis pa ko palakad lakad ako dun sa counter nila! Tapos asawa ko na ung nagtanong sa ibang kitchen crew nila ang sabi available nman any part of chicken basta 20mins. Tapos bumalik ulit ako sa counter ng hindi nya alam na naririnig kong pinag uusapan nila ako so ineexpect nya mag cacancel ako ng order dahil ayoko ng breastpart tatawa tawa pa sila! Nakakabastos po diba! So nung tinawag ko sya gulat na gulat sya inulit ko ulit sabi ko sa kanya miss sabi mo walang wing and thigh breast part lang ang available so sabi nya ulit oo nga breast part lang meron so nagalit na ako sabi ko e bakit sabi ng kitchen crew nyo meron naman daw ung part na gusto ko basta 20mins umpisa palang sinabi ko na sayo willing to wait ako and then inirapan na nya ako at gusto lang naman pala nilang ipaubos ung mga naka drop nila na chicken breast sa warmer nila. So disappointing sana magawan nyo ng action ung mga ganyang ugali ng crew nyo kasi maayos naman ung pag approach ko sa kanya sya pa matapang ultimo asawa ko nakita na inirapan nya ulit ako pagtalikod ko. Sana hindi na maranasan ng ibang customers. Kasi maraming service crew talaga ang bastos to be honest ang sarap sarap ireklamo sa mas nakakataas yung ganyan fast food chain 1st time ko lang na experience to palagi kami sa branch na yan. Pero sya lang ung bukod tanging ganyan. Inaaway nya pa ung kitchen crew nila sa harap mismo ng customer. Maraming nakakita so please ! Sana naman aksyonan nyo to! Bago pa maranasan ng iba! Thankyou so much

Chowking

Ly
Aug 17, 2019
Sort by: UpDate | Rating

Comments

  • Ja
      Aug 24, 2019

    Hindi mo naiintindihan yung sitwasyon unless nasa katayuan ka nung crew. Hindi robot ang mga taong nagtatrabaho sa service industry. Wag masyadong entitled. Manok lang ang yan.

    0 Votes

Post your comment