SUBMIT A COMPLAINT

Chowking South Supermarket, Valenzuela City / bad attitude po ng isang delivery man niyo

1 Philippines

I'm Marlene Bernal, order number ko po is [protected]. Irereklamo ko lang ho yung ugali po nung nagdeliver samin nung food. Nung tumawag po siya saken tapos nagtanong about sa address, sinagot ko naman sya ng maayos tas ang dami niya ng sinasabi. Kesyo matataas na daw yung mga house number dito sa kaypandan, eh dati na kong nagpapadeliver ayun yung address na ginagamit ko wala namang nanggaganyan sakin. Nahahanap naman nila agad yung location. Pero kung ano ano parin sinasabi niya, kaya para matapos lang sinabi ko na aabangan ko nalang sya, tas bigla niyang sinabi na ang gulo ko daw. Tama ba yon? Tapos pagdating dito, sinigawan pa ko na "ang layo naman ma'am, sabi niyo pabrika" eh likod naman talaga ng pabrika yung tapat namin. Sya pa yung galit talaga. Tas pinipilit niya na hindi daw 17 yung address namin. Gusto ko na nga ipakita yung meralco bill para lang masatisfy sya eh. Sya pa talaga yung galit. Tas pagkabigay niya ng foods, nagdabog pa. Dinabog yung cover ng carrier. Grabe. Hindi na nga marunong itrato ng tama yung customer nagdadabog pa. First time ko makaexperience ng ganito sa chowking delivery. Pakiaksyonan ho. Ipafollow up ko ho ito. Btw, pagdating nung products, yung drinks ho tapon tapon na.

Chowking South Supermarket, Valenzuela City

  • Updated by Marlene Bernal, Jun 17, 2019

    My order number is 120775 not 06025972. I'll follow this up. Ang bastos talaga ng delivery man na yon.

    bad attitude po ng isang delivery man niyo
Ma
Jun 17, 2019

Post your comment